Bakit ang hirap makahanap ng tapat at wagas na pag-ibig? Bakit kailangang gumapang and isang libo’t isang patak ng luha bago makahanap ng taong magmamahal sayo? Bakit kailangang mamugto muna ang mga mata’t mamanhid ang puso bago matutong ibigay ang sarili ng buong-buo sa isang tao? Bakit hindi madaling magmahal?

Matapos kong pinaiyak ang isang taong nagmahal ng tapat, pinangako ko na sa sarili kong wala na uling babaeng iiyak nang dahil sa’kin (Nakanamf… ang gwapo ko!). Hindi ko na kayang pagdaanan uli ang sama ng loob na alam mong may taong nasaktan dahil hindi mo sineryoso. Hindi na kaya ng konsensya kong tanggapin at ipawalang bahala ang pag-iwan sa isang indibidwal na nagmamakaawa. Ayaw ko nang magtapos uli ng isang relasyong alam kong nagsimula lang dahil sa init ng laman.

Gusto ko na ng seryosong relasyon. Gusto ko nang makahanap ng babaeng mamahalin ko ng totoo. Gusto ko nang makahanap isang indibidwal na pahahalagahan ko tulad ng pagpapahalaga niya sa’kin. Ayoko nang maglaro.

Ilang dekada na kong naglalaro. Pagod na ko.

Ngayong naghahanap ako ng seryosong relasyon, nahihirapan ako. Wala akong mahanap na taong qualified para sa’kin. Ang hirap makakita ng babaeng pasok sa standards ng nanay ko… mataas ang standards ng nanay ko!

Sana may mahanap akong taong gusto ko na walang makikitang problema ang nanay ko. Sana may tao akong makilala na hindi ko kinakailangang magpanggap na cool ako o na mature ako o na marami akong pera. Sana may dumating sa buhay kong isang indibidwal na mababaw ang kaligayahan para madaling pakisamahan. Sana may isang babaeng kasing hot ni Angel Locsin na lalapit sa’kin na handa at willing ibigay ang lahat ng gusto ko… sana malibog siya.

Pag may dumating na babaeng ganun sa buhay ko, bubuntisin ko agad para wala nang bawian. Akin na siya at wala na kayong magagawa!