Finally, after how many weeks, natapos ko na rin ang painting ni Trisha. To be honest, hindi naman niya talaga kamukha tong nasa painting. Mali yung mata, mali yung shape ng jaw at mali yung height ng noo. Pag tinitignan ko, nadidisappoint ako dahil hindi ko naachieve yung gusto kong maachieve to the point na gusto kong ulitin for the nth time. Pero bigla akong nawalan ng gana. Sa totoo lang, one week nang tapos yung painting ng mukha nito, hindi ko lang natapos agad dahil naasar ako nung last time na pinuntahan ko siya’t pinaghintay niya lang ako.

Gusto ko pa sanang ulitin yung painting para mas maayos kaya lang sobrang wala na akong ganang gumawa uli. Ayoko na nga ring ayusin yung mga maling linya at malling kular at iba pang mali sa painting. I realized that she doesn’t give a damn anyway. It doesn’t matter how much effort or time I will put into this. In the end, she would see it as something that her infatuated guest would give her.

All I know is that natapos ko na yung painting. Whether kamukha niya o hindi tapos na. At wala akong planong ibigay to sa loon ng QC. Sorry, but this work means something to me and I don’t want QC to corrupt whatever meaning I give it.

Pero ewan, subukan ko na rin gumawa pa ng isa. Kung kaya ko. If ever she decides to meet somewhere other than QC pagnatapos ko yung bago, yun ang ibibigay ko. If not, ito na lang. Kung ayaw niya makipagmeet somewhere else, i-download na lang niya.

“Trisha and Teddy Bear”

Medium: Water Color on Water Color Paper