Category: Uncategorized


Log 58
Tuesday, May 22, 2012
9:29 PM

After some time, I decided to look at Trisha’s facebook account. Yeah, apparently, not talking things over and not ending things properly is a stupid thing to do. I still like her. And after all this time, I’m still thinking about her.

Well, I don’t sulk too much like I did before but I still do think about her and I still feel like I should have done more. Whenever I think about how things transpired, I just can’t help but slap my self for being weak and stupid and overly sensitive.

Now, I can’t do anything about how I feel anymore. She’s gone and happily in a relationship with some Chinese guy. I want to talk shit about the guy but I know that even if I do that, she’d still be hers and I’d still be single.

All I pray is that one day, they’d break up and she’d remember me. Hopefully, when that day comes, she’d call me again and let me grab an opportunity I once missed.

Right… I wish they’d break up!

Matrona

May dumating na isang hot na babae. Sexy, matangkad, hindi masyadong maganda pero malakas ang dating. Umaapaw ang alindog sa kaniya na tila tinatawag ang pansin ng mga kalalakihan para titigan siya’t sambahin. Sa totoo lang, wala siya sa ganoong level. Hindi siya ganooon kaganda at hindi naman talaga pagnanasaan ng sobra-sobra umaapaw lang talaga ang alindog sa katawan niya.

Pero nakita ko. Nakita ko ang mga mata ng isang matronang nagmumurang kamatis. Isang babaeng mukhang may apo na pero kung magbihis ay akala mo dalaga pa. Akala mo ay nasa kabataan pa’t tila gusto pang makipagsabayan sa pagrampa ng mga bading sa Ermita. Nakita ko ang mga mata niyang may galit, pag-iimbot at inggit habang matalim na tinitigan ang babaeng bagong dating. Ang babaeng dumating na may kasamang dalawang binatang pwede mong ibenta sa Quezon Memorial Circle pagsapit ng gabi. Sinong matrona nga naman ang hindi magdadalamhati?

Gusto kong lapitan ang matanda’t sabihing, “Ganyan talaga ang buhay tita. Hindi ka palaging bata. Tanggapin mo na.”

Sa totoo lang matagal na akong naiirita sa matandang ‘to. Hindi dahil kinikilingan ko ang maalindog na dalaga kundi dahil sobrang feeling maganda ang lolang nagmumurang kamatis. Sa tinagal-tagal ko nang tumatambay sa lugar na ‘to, madalas ko nang nakikita ang matandang babae at sa paulit-ulit na nakikita ko siya, palagi kong napapansin ang mataas na tingin niya sa sarili niya. Kung umasta siya, akala mo maganda siya, akala niya maganda ang katawan niya. Kung ang suot niya ay maiksi, akala mo may lalaking desperadong boboso sa kaniya. Kahit nakaharang siya sa daanan ng mga tao, ililihis niya ang upuan niya upang protektahan ang puri niyang sa pakiwari ko’y inaagiw na. Ang lakas lang talaga ng fighting spirit ng lola mo!

Okay lang sana. Okay lang naman na maniwala ka sa kaibuturan ng puso mo na maganda ka. Hindi naman masamang humarap sa salamin tuwing umaga’t sabihin mo sa taong kaharap mong, “Umaapaw ang sex appeal mo. Tangina!” Okay lang naman yun dahil ganoon naman talaga dapat. Doon naman talaga nagmumula ang confidence ng mga tao, sa kaunting tiwala sa sarili.

Ang problema, sobra-sobra lang talaga ang tiwala ni Tita sa ganda niyang hindi na nag-eexist. Hindi ko alam kung maganda siya nung dalaga pa siya o kung dalaga pa nga siya. Pero tangina naman, hinay-hinay ka naman. Nakakainis na minsan e.

Lagyan naman natin ng hangganan ang tiwala. Sana tandaan natin na hindi dahil naniniwala kang maganda ka, e totoo ngang mukha kang diyosa. Matrona ka na. Hindi ka na bata. Please lang naman.