Tag Archive: salapi


Tangina Vain

Bakit ang tao ginawang vain?

Nakakainis. Nakakainis hindi dahil marami akong nakikitang mga taong vain at nagpapaka-vain kundi dahil alam kong isa ako sa kanila.

May kaniya-kaniya tayong paraan ng pagiging vain. Hindi man natin aminin sa sarili natin, alam ng mga kaluluwa ng mga ninuno nating nanonood sa’tin na sa ilalim ng maskarang hinaharap natin sa mga tao, vain tayo. Oo… tayo, dahil hindi mo man aminin, pilitin mo mang ipagkaila sa mga tao sa paligid mo,  meron ka, hanggang sa kalibag-libagan mong, nakatagong vanity.

Ang taong vain, hindi nangangahulugang gusto lang maging maganda o sexy, hindi lang ito mga taong gumagastos ng libo-libong salapi para bumili ng beauty products, bumili ng branded na mga damit, nagpapalki ng katawa’t nagpapapawis sa gym o nagpaparetoke ng katawan sa tulong ni Dr. Vicky Belo.

May iba-ibang uri ng vanity depende sa klase ng tao. May mga taong vain sa dami ng babaeng napaiyak na at papaiyakin pa lang. Ito ang mga taon hindi makuntento sa isa at ayaw lumagay sa tahimik kahit kwarenta na dahil gusto pang magkwento sa barkada ng mga bagong biktima. May mga taong vain sa achievement. Ito yung mga taong Suma Cum Laude na, hindi pa rin kuntento. Gusto pa nila’y may sumasamba sa ganda ng thesis nila, ipapa-laminate pa ang official transcript para ay pruweba. May mga taong vain sa dami ng gadgets na meron sila. Gusto nila, maraming nabibilib at naiinggit sa mga gamit na pinagbibibili nila. Kahit hindi nila kailangan, basta mahal at bagong model, bibilhin nila para lang masabing techie sila.

Ako, simple lang ang vanity ko. Simple pero hindi rin ako makuntento. Gutso ko, tuwing may gagawin akong maganda o bago, papansinin ng mga tao. Kahit tapik lang sa likod ayos na basta may recognition.

Kung may gagawin akong sketch, gusto ko mabilib ang mga tao sa’kin. Lalo na yung mga artist. Kung walang artist na magsasabing magaling ako, mabuburaot ako. Kung may matututunan akong bagong trick sa skateboard, ang una kong gagawin ay tumingin sa mga kasama. Kung hindi nila nakita, uulit-ulitin ko hanggang may magsabi sa’king, “Tangina ang galing mo na pare!”. Kahit pa gaano kadali ang trick na yun, kung ngayon ko lang siya nagawa, gusto ko pa rin ng tapik sa balikat.

Nakakainis. Nakakainis dahil sagabal siya sa pag-unlad. Imbis na matuto ako ng ibang bagay na mas mahirap at mas komplikado gawin, nananatili ako sa paggawa at pag-ulit-ulit ng mga bagay na madali na para sa’kin. Naghihintay ako ng mga baguhan at nag-aaral pa lang para mabilib at sumamba sa’kin. Kaya akonapag-iiwanan ng mga batang nung isang linggo lang nag-aral magdrawing o mag skate board.

Tangina! Ayoko na maging vain pero gusto ko pa ring maging magaling.

Bakit ang mahal magka-love life? At bakit mas mahal bago magkarelasyon?

Putang ina! Isipin mo, manliligaw ka pa lang gagastos ka na ng malaki. Ang malupit nun, sugal siya, hind mo  alam kung sasagutin ka o hindi. Pero kahit hindi mo alam kung ano magiging kalalabasan, gagastos ka na para sa gasolina, sa parking, sa dinner, sa bulaklak, sa barbero, sa bagong damit, sa bagong medyas, sa load, sa regalo, sa dinner, sa sine, sa condom na hindi mo naman magagamit at sa kung ano-ano pang miscellaneous expense. Lahat yan gagastusin mo dahil lang sa libog.

Aminin na natin, hindi naman talaga nagsisimula sa pag-ibig ang ligawan. Ang unang pumapasok sa utak natin, “Babanatan ko yang babaeng yan!”. ‘Di ba? Unless pangit yung babae at sobrang bait at maaruga lang siya kaya tayo napamahal. Pero kung sobrang ganda niya, kantot lang naman talaga ang unang hangarin natin ‘diba? ‘Wag mo nang ipagkaila. Pinagdaanan ko na ‘yang “gentleman kunyari ako” mode. Alam ko na ‘yan. Hindi totoo ‘yan. Sinungaling!

Dahil sa libog, magwawaldas tayo ng limpak-limpak na salapi kahit walang kasiguruhan na mababaon mo nga ang pitotoy mo sa pepe niya. Ang hindi lang ‘ata gumagastos ay yung mga sobrang galing na mga player na kusang namumukadkad ang bulaklak sa mga mukha nila kahit laway lang ang puhunan.

Pero hindi dun angtatapos ang paglabas ng pera. Pag kayo na, tuloy pa rin ang gastos. Bakit? Dahil nagmagaling ka. Dahil nagpakitang tao ka. Dahil nagkunwari kang kaya mo kahit hindi. Dahil nagset ka ng expectations na hindi mo naman talaga kayang abutin. Dahil gago ka. Bobo! Tanga! Ano ka ngayon? Baon ka sa utang?

Suwerte mo na lang kung nahulog sayo yung babae. Kung pati laman loob niya’t hindi lang panti ang nalaglag para sa’yo sobrang suwerte mo. Siyempre feeling mo sobrang ang gwapo mo, tapos wala ka pang gagastusin masyado. Kung kuha mo na pati kaluluwa  niya, madali nang paliwanagan yun na wala ka kasing pera kaya hindi mo siya ma-date ngayon. Pero iilang babae lang ‘yun.

‘Pag ang tao nasaktan, matututo na ‘yan. Hindi mo na mauuto ‘yan. Matalino na ‘yan kahit konti. Hindi na ‘yan bibigay basta-basta. Kaya matagal pang dasalan bago ka makabaon diyan. Pero pag ang nahanap mo tanga, jackpot ka!

Meron lang din talagang mga taong hindi natututo. Mga taong kahit ilang beses masaktan, naniniwala pa rin sa wagas na pag-ibig. Ang problema, hindi ko alam kung saan ko sila makikita. May makita man ako, nagpakatanga na sa iba. Shet!

Ang masakit, pag brip mo ang nalaglag. Tangina! Yun ang hasel. Lahat gagawin mo para sa taong ‘to kahit hindi mo naiintindihan kung bakit. Ibibigay mo kahit labas sa budget mo. Kahit hindi ka kumain ng isang buwan masabi mo lang na binigay mo lahat, gugutumin mo sarili mo. Ang malupit dun pag iniwan ka. san ka ngayon pupulutin? Makikita ka na lang ng mga kamag-anak at mga kaibigan mo sa lusak ng pighati. Kung hindi man, malamang nagtatago ka sa mga taong pinagkakautangan mo.

Buti’t hindi pa nangyayari sa’kin yun. At sana hindi mangyari. ‘Wag sanang makarama.