Category: Puro Plano


Gusto Ko Lang

Tatlong taon. Oo, tatlong taon na akong walang totoong relasyon. Tatlong taon na akong walang tinetext tuwing paggising ko ng “Good Morning”. Tatlong taon na akong walang tinatawagan tuwing gabi para sabihing, “Pahinga ka na Babe”. Tatlong taon ang tinahak kong mag-isa at walang kasangga.

Sa loob ng mahabang panahon na iyon, marami na akong mga bagay na pinagdaanan. Mga pagsubok na, sa totoo lang, nakakalungkot at nakakapagod haraping mag-isa. Mga problemang magiging mas madaling solusyunan kung may kasama. Pero wala. Wala akong kasama, walang kasangga, walang kaakibat sa panahong nakikibaka laban sa pahirap ng tadhanang mapagsamantala.

Sinubukan kong maghanap. Maghanap ng isang nilalang na pwede kong paglaanan ng panahon at emosyon. Sinubukan kong maghanap pero parang pinagtaguan nila akong lahat.

Ngayong, medyo matagal na ang panahong nagdaan nang huli akong nakaramdam ng tunay na pagmamahal, parang nakalimutan ko na kung paano. Nakalimutan ko na kung paano talaga magmahal magpakita ng pagmamahal, at tumanggap ng pagmamahal.

Kung makakakita ako ngayon ng isang nilalang na maari kong mahalin at maaari rin akong mahalin, hindi ko na alam kung paano sisimulan. Hindi ko na alam kung anong unang sasabihin. Hindi ko na rin alam kung paano ko dadalhin sa sitwasyong pwede ko nang masabing ito nga ang babaeng para sa akin.

Sa tagal ng panahong pinalamig ang puso’t pinilit maging bato, hindi ko na alam kung paano tutunawin ang puso.

Tumatanda na ako. Tumatanda’t naghahanap na ng makaksamang mag-aalaga at aalagaan. Pero ngayong nakakaramdam na ako ng ganito, napagtanto kong mahirap pala. Mahirap palang magmahal uli. Mahirap magmahal uli dahil nakalimutan ko na kung paano. At mas mahirap makahanap ng taong magugustuhan ko dahil hindi ko alam kung saan sila nagtatago.

Simple lang naman ang hinahanap ko. Gusto ko lang ng isang taong makakasundo ko. Hindi naman sa lahat ng bagay dahil masaya rin namang magkaroon ng pabugso-bugsong away. Pero sa kabuuan, sana kaya ko siyang sakyan at kaya niya rin akong maintindihan.

Gusto ko lang nga isang taong pwede kong kausapin ng kahit ano. Kahit anong bagay na interesado ako at kahit anong interesado siya. At pagkatapos naming mapag-usapan ‘yon, magtutulungan kami para mangyari ang mga bagay na gusto naming mangyari para sa bawat isa. Kung papalarin, sana pareho kami ng gusto, para pwede naming abutin ‘yon ng magkasama.

Gusto ko lang makahanap ng taong maiintindihan ang mga kaweirdohan ko. Alam kong malabo akong tao at minsa’y mahirap maintindihan ng mga nilalang na may maliit na utak ang limitadong kakayahan ng pag-intindi. Pero sana, may mahanap akong indibidwal na may malawak na pag-iisip na kayang sakyan ang mga walang saysay na produkto ng pagmumuni-muni ko.

Gusto ko lang ng isang taong kasabay kong tatanda. At sana, sabay kaming tatanda ng masaya.

Time Machine

Sa dinami-dami ng mga katangahang ginawa ko sa buhay, hindi nakakagulat na marami akong pinagsisisihan. Pero taliwas sa popular na pag-iisip ng mga nakakababang nilalang, hindi ko inaasam na iballik ang panahon kung kailan ako nadapa’t natilamsikan ng putik sa mukha. Hindi ko inaasam baguhin ang nakaraan dahil walang karunungang mapupulot sa pagbaliktad ng kasaysayan. Nakanamputa… Ganda!

Oo, may panahon sa buhay ko na ginusto kong magkaroon ng Time Machine. Ginusto kong bumalik sa isang yugto ng makulay kong buhay at baguhin ang mga pangyayaring nagdulot ng pilat sa maselan kong katauhan. Pero ngayong pinag-iisipan kong mabuti, anong mapapala ko sa pagbalik sa nakaraan at pagpalit ng mga kaganapang hindi ko nagustuhan? Ngayong lumalim ang aking pag-iisip at nadagdagan ang aking karunungan, tila walang kahulugan ang hangaring pagsalba ng nakaraan.

Mawawalan lang ng kulay ang masaya kong buhay kung papalitan ang kasaysayan, hindi ko matututunan ang mga bagay na nagbibigay sa akin ng karunungan kung mawawala ang mga karanasang naganap sa panahong nagdaan.

Mas mabuti nang tanggapin na naganap ang mga masasakit na bagay at matuto kesa tanggalin ang mga sugat at manatiling mangmang. Mauubos lang ang oras mo sa pag-iimbot at pag-iisip ng walang saysay na mga bagay kung hahayaan ang sariling malugmok sa pagnanasang iwasan ang mga tinik na sumugat sa puso, isipan at kaluluwa.

Ang iniisip ko na lang ngayon ay kung paanong gagawing mas makabuluhan ang bawat araw na nagdaraan. Mahalaga ang panahong lumipas at hindi ito dapat kalimutan pero hindi mo dapat hayaang pigilin nito ang pag-unlad mo sa mga darating pang mga araw. Hindi pagpalit ng kasaysayan ang tugon sa pighating nararamdaman kundi pagtanggap at paghubog ng sarili upang malampasan ang mga nararanasan at darating pang mga balakid na dati nang inihanda ng tadhana.

Hindi ko na inaasam magkaroon ng “Time Machine”. Hindi ko na hangad na baguhin ang kahapon dahil nakatutok na ako ngayon sa hinaharap. Ang mahalaga ay ang ngayon at bukas. Ang mahalaga ay kung paano ako magiging kuntento sa darating na mga araw.

Sa ngayon, kinakalimutan ko na ang mga pangit na mga pangyayari’t iniisip ko nalang kung paano ako magkakaroon ng limpak-limpak na salapi, kung paano ko magagawang sasambahin ako ng masa’t paano ko makakamit ang wagas na pag-ibig… pwede rin ang World Domination.

Makata

Paano ba maging isang makata?

May panahon sa buhay ko kung kailan sumubok akong magsulat ng mga maikling kwento’t mga tula, panahon sa buhay ko kung kailan pinakamalakas ang pakiramdam kong buhay ako’t may silbi sa mundo, panahon sa buhay ko kung kailan pinakataas ang tingin ko sa sarili ko’t pakiwari ko’y matalino ako, panahon sa buhay ko kung kailan ako pinakamasaya… panahon sa buhay kong matagal nang tapos at limot na.

Gusto kong sariwain ang kabataan kung kailan sagaran ang pagpiga sa aking isipan. Gusto kong alalahanin ang mga paraan kung paanong may lumabas na magagandang mga lipon ng salitang pinagtagpi-tapi’t nakalikha ng matatamis na talinhaga. Gusto ko muling subukang magsulat ng mga bersong pinag-isipan at ikatutuwa ng mga mambabasa.

Apat na taon.

Apat na taon ko nang sinusubukang magsulat at lumikha ng mga tulang maipamamalaki’t maipagyayabang sa mga dating kasamahang nalimutan na rin ang sining. Apat na taong puno ng kabiguan ilang ulit mang ipagpilitan.

Kung paano akong nakabuo ng mga tula’t talinhaga noong wala pa akong alam, ay hindi ko alam. Nakakatawang isiping kung kailan pa ako nagkaroon ng mas malalim na pananaw at mas malawak na pag-intindi sa mundo, doon ko pa nakalimutan kung paano maging makata.

Pag-ibig, pagkakaibigan, pag-aaral at walang katwirang galit samundo: ‘yan ang madalas na mga usapin ng mga likha ko. ‘Dyan lang umiikot ang mga tula’t maikling kwentong naisusulat ko dahil ‘yon lang ang alam ko.

Ngayon, kung kailan ako nagkaroon ng karunungan sa pulitika, lipunan, kahirapan, pagtatalik, pera at pakikibaka, ngayon pa ako nahihirapang humuli ng mga salita, ngayon pa ako nahihirapang bumuo ng mga talatang may tugma.

Unti-unti nang natuyo ang aking isipan. Siksik at liglig man sa kaalaman, nakalimutan naman ang paraan. Gusto kong maalala kung paano nga bang maging makata., kung paanong gumawa ng mga tula, kung paano ang paglikha.

Munimuni Script

Minsan, may mga eksenang nagaganap sa utak ko. Kakaiba sila. Minsan natatawa ako, minsan nalulungkot, minsan nagagalit, minsan natatakot, madalas… nauubos ang oras ko. Sa maghapong nakahilata ako sa kama, ilang oras din ang ginugugol ko sa pagtangkilik sa mga pangyayaring itong nagaganap lang sa isip ko.

Gusto kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga katarantaduhang ito. Bakit? Dahil minsan nagmumukha na akong siraulong mag-isang tumatawa, naluluha, sumusuntok sa ere at gumigiling ng walang konkretong dahilan. Gusto kong ibahagi ang mga ito para kung sakaling makilala niyo ako’t makitang ngumingiting mag-isa o nagsasalita ng walang kausap, alam niyo nang may papel akong ginagampanan sa pelikulang minumuni-muni ko (Mukha lang akong schizo pero hindi ako sira-ulo).

Setting: Summer. Sa isang beach resort. Kararating ko lang sakay ng kabibili ko lang na Volks Wagen Kombi na mukhang galing sa West Coast customs at “Pinimp My Ride”  (take note, wala talaga akong pambili ng sarili kong Kombi sa totoong buhay… pangarap lang lahat ‘to).

Naghihintay ang pamilya sa restaurant ng resort na open ang dingding dahil maganda ang view ng beach. May ibang mga guest ang resort at karamihan ay magagandang babae. Nagkataon na may mga friends na nagbabakasyon sa resort na iyon sa panahong ito.

Rio: (Papasok ng restaurant. Mabagal ang lakad. Naka board shorts at sando lang dahil maganda ang katawa. Walang kokontra dahil pangarap ko ‘to!)

Pamangkin1: (tatakbo papunta sa’kin) Tito Iyo! Tito Iyo! Look! A fish! (sabay turo sa isang fish tank sa loob ng resort).

Rio: Wow! A Fish. Kainin natin yung fish!

Pamangkin1: Noooo. You can’t eat that fish. It’s alive!

Rio: Let’s cook it. Then we’ll eat it.

Pamangkin1: Noooo. Swim lang yung fish. (Kukuha ng dahon mula sa mga decoration sa mesa at ilalagay sa fish tank)

Rio: What are you doing?

Pamangkin1: Feed ko lang yung fish.

Rio: ‘Wag! Hindi siya kumakain ng dahon.

Pamangkin1: But it’s a flower horn! (sabay tapon ng dahon)

Rio: But flower horns don’t eat leaves!

Pamangkin1: Bit it’s a plant eater (sabay tapon uli ng dahon sa fish tank)

Rio: (Walang maisip na sagot kaya magagalit na lang) Stop it! Ikaw ba kumain na?

Pamangkin1: Feed ko lang yung fish.

Rio: Kumain ka muna bago mo feed yung fish.

Pangkin1: Ehhh… feed ko lang yung fish.

Rio: Gusto mong magalit ako?

Pamangkin1: Ehhh… Eat muna ako bago ko feed yung fish?

Rio: Yes. Kumain ka muna.

Pamangkin1: (tatakbo sa mesa) Eat muna ako.

Kapatid ni Rio1: What do you want to eat?

Pamangkin1: Fish and rice!

Rio: Lutuin natin yung flower horn!

Pamangkin1: Noooo… Not the flower horn. Fish and rice lang.

Rio: But the flower horn is a fish!

Pamangkin1: Nooo… Lola Mommy! Kulit ni Tito Iyo.

Lola Mommy: (Magrorolyo ng dyaryo sapay palo sa ulo ko… parang Pinoy sitcom) Putang ina! Nagpapaiyak ka na naman.

Rio: Aray! (ngingiti lang)

Pamangkin2: Iyo! (tatakbo ang bunsong pamangkin at magpapakarga)

Lola Mommy: Ayan! Mag-alaga ka muna.

Rio: (kakargahin ang bata) Ano? Anong nagaganap sayo?

Pamangkin2: Iyo!

Rio: Ano?

Pamangkin2: Dodi (sabay turo sa malayo)

Rio: Huh? Anong dodi? Wla namang aso ha.

Pamangkin2: Dodi (sabay turo sa malayo)

Rio: Saan yun doggie? Wala naman ah. Niloloko mo ata ako e.

Pamangkin2: Es!

Rio: Anong es? Akala ko ba dodi? Ang labo mong kausap e.

Pamangkin2: Iyo!

Rio: Ano?

Pamangkin2: Bibi?

Rio: Saan yung baby? Ang gulo mong kausap. High ka ata e.

Pamangkin2: Bibiiiiiii!

Rio: Saaaaan?

Pamangkin2: Bibiiiiiiii!

Rio: Saaaaaan?

Pamangkin2: Dodiiiiiiiiii!

Rio: O anong dodi? Akala ko ba bibi?

Pamangkin2: Hahahaha

Friend1: (babaeng kaibigan na cute na coincidentally, nandun din sa resort) Ang cuuuuute! Anak mo?

Rio: (tatakpan ang tenga ng bata) Tangina hinde! Pamangkin ko lang ‘to! Kamusta? Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?

Friend1: Bakasyon. Kasama ko sila friends (sabay turo sa isang mesa kung nassan ang ibang friends na kilala ko rin)

Rio: Ooooy! (sabay kaway)

Friend1: Ilang taon na yan?

Rio: Three? Ata….

Friend1: Hello (sabay gesture na kukunin yung bata)

Rio: Sama ka dun (sasabihin sa bata).

Pamangkin2: eeeeeee! (sabay kapit sa’kin)

Friend1: Ay! Ayaw mo sakin?

Rio: Hinde. Ayaw niya lang talaga sumama sa mga babae.

Friend1: Bakit?

Rio: Di ko alam. Baka na-hurt? Mga babae kasi sinasaktan lang kaming mga lalake.

Friend1: Gago!

Rio: Uy! Bunganga mo balahura. May bata o.

Friend1: Ay shet sorry.

Pamangkin3: (panganay na pamangkin sasali sa usapan) Tito Iyo! Sino siya?

Rio: Si tita friend. Say, “Hi tita friend”

Pamangkin3: Hi tita friend! (sabay kaway). Bakit sabi niya shit? (tanong sa’kin)

Rio: Wala kasi siyang pinag-aralan. Dirty yung mouth niya.

Pamangkin3: Bad Siya?

Rio: Yes.

Friend1: (hahampasin ako) Gago!

Rio: Uy, may bata. Don’t say bad words.

Friend1: Ay shet! Sorry.

Pamangkin3: Don’t say shit. I don’t like that word. It’s a dangerous word.

Friend1: Ay sorry.

Pamangkin3: It’s okay.

Friend1: Sige na nga alis na ko. B.I. ata ko dito e. (sabay hampas sa’kin)

Rio: hahaha. Sige punta ko dun mamaya.

Friend1: sige-sige.

Pamangkin3: Tito Iyo. I want a toy.

Rio: Dami mo na toys a.

Pamangkin3: But I want a Bumble Bee.

Rio: May Bumble Bee ka na diba? Iba na lang.

Pamangkin3: Oh yeah. Right.

Kapatid Ni Rio2: Sabihin mo Devastator!

Pamangkin3: What’s devastator?

Kapatid Ni Rio2: Yung five transformers na nagiging isang malaking transformers.

Pmangkin3: Oh. Really?

Kapatid ni Rio2: Oo. You can have five transformers for the price of one!

Rio: No. That’s not true. That’s five transformers for the price of five.

Pamangkin ni Rio3: Oh. Let’s just buy something else?

Rio: Yes. Let’s just buy coloring books.

Pamangkin ni Rio3: No. No coloring books. I want transformers.

Rio: Brats? You want brats?

Pamangkin ni Rio3: No brats! I don’t like brats. That’s for girls!

Rio: But you were watching brats on TV ‘di ba?

Pamangkin ni Rio3: Noooo! Lola Mommy! Kulit ni Tito Iyo. Palo mo siya.

Lola Mommy: (Magrorolyo ng dyaryo uli sabay hampas sa’kin) Putang Ina! Nagpapaiyak ka na naman. Niloloko mo mga pamangkin mo e.

Rio: haha

Guest1: (Isang nag-iisnag hot na babaeng kamukha ni Sasha Grey na nakaupo sa likod ko) Hahaha

Rio: (Mapaptingin sa babaeng tumatawa) Uhhh… Hello.

Guest1: Oh sorry. I can’t help but overhear you guys. You’re funny.

Rio: Uhhh… Thanks? Should I take that as a compliment?

Guest1: Oh yeah it’s a compliment. You’re so good with kids. If I had kids I’d want you to be the father. (marerealize yung sinabi niya at magbblush)

Rio: Uhhh… we could work something out. Wanna make one tonight?

Guest1: Oh my god! I’m sorry. Hahaha (blush pa rin)

Rio: That’s O.K. I wouldn’t mind… fathering your child that is. Haha. Just kidding.

Pamangkin3: Titio Iyo sino siya?

Rio: Oh she’s……

Guest1: Guest1

Rio: Oh hi Guest1, I’m Rio.

Friend1:(mula sa kabilang mesa) Ang dulas! Grabe ang dulas!

Rio: Sino kasama mo? I noticed you’re here by yourself.

Guest1: My friends are in the room. I just went out to get coffee.

Rio: Oh. How long will you be staying?

Guest1: Until tomorrow maybe?

Rio: Maybe we could have coffee together before you leave?

Guest1: Maybe?

Rio: I’ll take that as a yes?

Guest1: Uhhh… Sure. Tomorrow morning? Before we leave?

Rio: Tomorrow morning would be great.

Friend1: Ang tinik! Grabe ang tinik!

Guest1: (magbblush)

Rio: You got to stop blushing. You‘re gonna make me blush.

Guest1: Haha. Sorry, I can’t stop it. Haha. Anyway… I got to go.

Rio: That soon? Awww… But we just met.

Guest1: Haha. My friends are waiting in the room. I need to get back to them.

Rio: Oh. Want me to walk you back to your room?

Guest1: No I’m good. Besides, you’re with your family.

Rio: It’s okay, I don’t think I’ll be gone forever. Unless… ummm… you know…

Guest1: Oh God! You’re naughty. Hahaha

Rio: Haha. So… Want me to walk you back?

Guest1: Ok. You could walk me back.

Rio: Nice! (sabay baba sa batang bitbit) Walk ka rin.

Rio and Pamangkin2 ihahatid si Guest1 sa room. Pagdating sa pinto ng room, kakatok si Guest1.

Guest1: So this is me.

Rio: Great!

Guest1: So, coffee tomorrow morning?

Rio: Yes! Wanna meet before that?

Guest1: Sure. We could meet later.

Rio: So…. could I get your number? So I can text you for the time?

Guest: (kukunin ang phone ko isasave ang number) Text me.

Rio: I will.

Bubukas ang pinot at papasok si Guest1. Rio and Pamangkin2 babalik sa resto at uupo sa mesa.

Kapatid ni Rio2: Mommy si Kuya babaero.

Rio: Hindi ah.

Lola Mommy: Putang Ina! Anong hindi? Sinungaling!

Friend1: (lalapit sa mesa) Shet Bangus!

Kapatid ni Rio1: Anong bangus?

Friend1: Bangus! Madulas at matinik!

Rio: Well…..

Isa lang ito sa mga katarantaduhang umuubos sa oras ko. Mga pelikulang nagaganap habang nakatulala ako’t nagmumunimuni. Minsan napapahinga na lang ako ng malalim habang hinihiling sa Maykapal na… “Sana mangyari siya sa totoong buhay.”