Latest Entries »

Okay Lang…

Biglaan siya kung magparamdam. Kung kailan akala kong panahon na para kalimutan, biglang magtetext. Siyempre natuwa ako. Hanggang tenga ang ngiti. Sa totoo lang, hindi ko na inaasahang magkakaroon pa kami ng communication pagkatapos ng ilang linggong hindi siya pumasok. Pero nung nangamusta siya, nabuhayan uli ako ng pag-asa.

Una niyang kinamusta, yung painting na pinangako ko sa kaniya. Sabi ko hindi ko pa tapos. Inuulit ko dahil nasisira ang gawa ko tuwing nilalagyan ko ng kulay. May katotohanan naman yun, pero ang totoong dahilan, tinamad na akong tapusin dahil akala ko, wala na kaming pakialamanan. Ilang linggo din siyang hindi nagparamdam at ilang text ko rin ang hindi niya nireplyan. Nawalan na ako ng gana, pero dahil nandiyan na naman siya, ginanahan na naman akong tapusin yung pinangako ko.

Sabi niya, gusto daw niyang makita. Gusto niya akong pumunta sa pinagta-trabahuhan niya. Sabi ko, hindi ako puwede this week. Marami akong ginagawa at kelangang tapusin. Sumagot siya, sabi niya, pumunta daw ako, naeexcite daw siyang makita yung painting. Sabi ko hindi pa tapos. Next week ko na ibibigay. Sabi niya, okay lang na next week ko na ibigay yung painting. Pero punta pa rin daw ako. Pumayag ako. Sabi ko darating ako ng ala-una.

Buong araw akong hindi mapakali in anticipation of our meeting. Matagal ko na siyang hindi nakikita at nakakausap. Siyempre, sabik din ako sa prescence niya. Mahal ko e.

Tinapos ko lahat ng puwede kong tapusin bago mag 12 ng hatinggabi. Tapos, dumeretso na ko sa trabaho niya. I was expecting na dahil pinapunta niya ako at dahil pinaghintay na niya ako sa wala dati, maghihintay siya ngayon. Pero na disappoint lang ako.

Pag dating ko, may guest daw siya. May guest daw siya at kakatime-in lang. Napanghinaan ako ng loob. Naisip ko, ang usapan ala-una, pinareserve ko na siya sa FM ko, sinabihan na siya ng FM na darating ako ng 1, pero nagpatime-in pa rin siya sa iba. Pero ayos lang, ganun talaga. May hinihintay daw na ibang babae yung guest so malamang, isang oras lang daw siya dun. Naisip kong maghintay na lang… uli.

Pagkatapos ng tatlong stick ng yosi, at pauli-ulit na pagsulyap sa lahat ng gumagalaw na bagay sa may hagdan, sa bar at sa buong club, naburyong na ko dahil wala akong kausap. Nagmumukha na ‘kong tanga sa dining area mag-isa. So, naisipan kong mag-table muna ng iba habang naghihintay. Kilala ko na yung napili ko. Dati ko na rin siyang na-table. Nung pinaghintay ako ni Trisha noon, siya rin ang tinable ko. Ang sabi niya sa’kin, ‘Pumasok na si Trisha ah’. Sabi ko, ‘Oo nga. Pinapunta nga iya ako e’.

Makalipas ang isang oras ng paghihintay at walang makabuluhang pinag-uusapan, dumaan si Trisha. Kinamusta ako, ‘Okay ka lang?’. Sumagot ako, ‘Ayos lang. Matagal ka pa?’. Tulad ng dati niyang sagot, ‘Isang oras na lang.’ At ako, bilang ako, naniwala naman akong isang oras na lang nga ang hihintayin ko.

Pero mali ako.

Alas tres na, hindi pa siya bumababa. Nung tinanong ako ng waiter kung bibigyan ko ng pangatlong oras yung tinable ko, kahit alam kong hindi ko na makakausap si Trisha, sumagot ako ng oo. Ewan ko, siguro kasi kahit bukas na ang mga ilaw, kahit nakabihis na lahat ng mga babae, kahit nag-uuwian na ang lahat, kahit lasing na kami pareho, kahit limang minuto lang, gusto ko pa rin siya makausap. Gusto ko pa rin siya makita. Gusto ko parin marinig boses niya. Gusto ko lang ipakita na mahal ko siya.

Pagpatak ng pasado alas-kuwatro, nakabihis na ang mga babae. Kahit yung table ko, nakabihis na at handa nang umuwi. Ang iniisip ko nun, ayoko namang i-hassle ‘tong table ko na samahan akong maghintay. Baka gusto na rin naman niyang umuwi. So nagbill out na ko’t umalis.

Habang nagmamaneho ako pauwi, ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko na naman siya nakita. Pagkatapos niya akong paasahin na magkikita kami, magpapatime-in siya sa ibang guest. Ayos lang sana yun dahil kasama yun sa trabaho niya, pero ang masakit, gumastos ako ng mahigit dalawang libo para maghintay sa isang taong hindi dumating. Sa isang taong hindi ko man lang nakausap kahit five minutes lang.

Mabigat sa bulsa at masikip sa dibdib!

Pagdating ko sa bahay, diretso ako sa kama. Nagtext siya. Nagsosorry. Sabi ko, ‘Sanay na ko.. Ingat na lang pag-uwi..’ Sanay naman na talaga ako. Ilang beses na rin naman akong pinaghintay ni Trisha. Pero aaminin kong naiinis ako ng mga oras na ‘yon. Nagreply siya, tinatanong kung galit ako. Hindi ako sumagot dahil ayokong makapagsalita ng hindi maganda. Tinulugan ko muna.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sama ng loob. Paggising ko, sumagot ako ng ‘Okay lang…’

Lahat ng tanong niya ang sagot ko, ‘Okay lang…’ Nagpaliwanag siya, na bad trip daw yung guest niya kagabi dahil nagpaextend pa. Ang sagot ko, ‘Okay lang…’

Okay lang naman e. Okay lang na nagpaextend yung guest niya. Ganun talaga. Maganda siya e. Sino bang guest ang hindi gugustuhin na makasama siya ng matagal. Naiintindihan ko naman yun. Ang sa’kin lang, may usapan. Pinareserve ko na siya, pinagsabihan pa siya ng FM na darating ako sa oras na napag-usapan. Tapos magpapatime-in siya kung kelan malapit na dumating yung oras na yun.

Ang mas masakit pa dun, siya ang nagpapunta sa’kin. Kahit sinabi ko nang hindi ako puwede dahil marami akong kelangang tapusin, pinapunta pa rin niya ako. Binitawan ko lahat ng ginagawa ko para puntahan siya, kahit marami akong kelangang tapusin, hinold ko lahat para sa kaniya, para makita siya, para puntahan siya dahil yun yung request niya. Pero wala siya.

Ang dami-dami kong ginagawa. Hindi ako mayaman. Maliit lang ang sahod ko. Sana lang kung hindi niya ako mahihintay, hindi na lang niya ako pinapunta. Mabigat sa bulsa ko ang gumastos ng dalawang libo para maghintay lang tapos wala rin akong mapapala.

Ewan ko. Sa dinami-dami naman ng taong puwedeng mahalin bakit pa sa kumplikado? Pero okay lang. Ganun talaga… hindi ko kayang diktahan ang puso ko e.

Eto Na Naman Ako

Kailan ba ko huling nahulog? Hindi ko na maalala kung ano pakiramdam.

Tatlong taon at isang buwan na nang huli akong pumusta sa sugal na kahit kailan, hindi ako nanalo. Masakit matalo lalo na kung puso ang tinataya mo. Kaya simula nun, pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na hahayaang mahulog ako ng ganun.

Pero siyempre, hindi naman natin mapipigilang mangyari ang ganun. Kahit sinasabi ng utak mo na iwasan mo, pag naramdaman mo, mamahalin mo – kahit sino pa yan. At yun na nga ang nangyari. Siyempre, walang saysay ang intro ko kung hindi naman tungkol dun yung isusulat ko. Obviously, this whole crap is about how I allowed myself to fall… again!

Simula nang matapos ang huli kong relasyon, inisip kong maglalaro na lang ako. Wala akong seseryosohin dahil pag sineryoso ko, masasaktan lang ako. At ganun nga ang ginawa ko. For the past three years, naghanap lang ako ng mga kalaro.

Sa kasawiang palad, may nakilala ako nung January. Itago na lang natin siya sa pangalang Trisha. Gusto ko sana siyang kalaro. Pero merong bumulong sa utak ko na hindi ko dapat gawin yun sa kaniya. May mga bagay-bagay lang tungkol sa kaniya na hindi ko nakita sa mga naging kalaro ko noon. May mga bagay-bagay sa kaniya na wala kahit sa mga naging karelasyon ko. Nung gabi na yun, nasabi ko sa sarili ko na iba siya.

Unang-una, maganda siya. Isang bagay na hindi ko ide-deny. Sa lahat ng niligawan ko, siya ata ang pinakamaganda (by far). Pero siyempre, hindi lang siya maganda. Mabait siya, madiskarte at ang pinaka-importante, may pangarap. May pangarap siya at gumagawa siya ng paraan para maabot ang mga pangarap na iyon. Ang sabi niya, kaya daw niya ginagawa ang mga bagay na ginagawa niya ay dahil may layunin siya. Kung anuman ang layunin na ‘yon, hindi ko pa alam at mukhang hindi ko na malalaman.

Sinubukan kong alamin kung ano yun. Sinubukan ko siyang kilalanin pa. Binisita ko siya ng ilang beses pa sa trabaho niya para makausap and eventually, makilala sana. Pero kahit anong gawin ko, parang wala akong nalalaman tungkol sa kaniya. Mailap siya sa pagbigay ng mga detalye sa buhay niya.

Pero ayos lang. Ganun talaga ang ligawan… pahirapan.

Eventually, inamin ko rin sa kaniya na may gusto ako sa kaniya. Ang mali ko lang, nung gabi ding yun, nahulog na ako. Hinayaan ko nang mahulog ang sarili ko sa pag-asang sasaluhin niya ako.

Pero hindi niya ako sinalo.

Ang mas masakit pa dun, pakiramdam ko, napaglaruan ako. Tuwing magkasama kami, uber sweet siya pero pag hindi kami magkasama, pakiramdam ko, hindi ako nag-eexist. Pag nagte-text ako, hindi man lang siya nagrereply. Kahit pag nagyayaya ako. Mahirap bang sabihing, “Sorry hindi ako puwede. Busy ako e.” Hindi naman diba? Minsan, “Kamusta?” na nga lang tanong ko wala pa ring reply.

Minsan iniisip ko na ayos lang yun. Ganun talaga. Kelangan talaga paghirapan ang kaligayahan. Kaya lang ang kung titignan kong mabuti, halos hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na gawan man lang ng paraan. Chance lang naman ang hinihingi ko.

Ang problema, mukhang hindi na darating ang pagkakataong hinihintay ko. Nung huli akong pumunta sa trabaho niya, may nagsabi sa’kin na dalawang linggo na daw siyang hindi pumapasok. Pakiramdam ko, hindi na siya papasok uli. Mukhang hindi na kami magkikita uli. Parang wala na akong pag-asa talaga.

Pero ewan ko, bahala na. Maghihintay na lang ako. Sana lang, kung ayaw niya ako maghintay, sabihin niya para hindi ako nagmumukhang tanga.

Ito na nga ba sinasabi ko e. Dapat naglalaro na lang ako.

Gusto Ko Lang

Tatlong taon. Oo, tatlong taon na akong walang totoong relasyon. Tatlong taon na akong walang tinetext tuwing paggising ko ng “Good Morning”. Tatlong taon na akong walang tinatawagan tuwing gabi para sabihing, “Pahinga ka na Babe”. Tatlong taon ang tinahak kong mag-isa at walang kasangga.

Sa loob ng mahabang panahon na iyon, marami na akong mga bagay na pinagdaanan. Mga pagsubok na, sa totoo lang, nakakalungkot at nakakapagod haraping mag-isa. Mga problemang magiging mas madaling solusyunan kung may kasama. Pero wala. Wala akong kasama, walang kasangga, walang kaakibat sa panahong nakikibaka laban sa pahirap ng tadhanang mapagsamantala.

Sinubukan kong maghanap. Maghanap ng isang nilalang na pwede kong paglaanan ng panahon at emosyon. Sinubukan kong maghanap pero parang pinagtaguan nila akong lahat.

Ngayong, medyo matagal na ang panahong nagdaan nang huli akong nakaramdam ng tunay na pagmamahal, parang nakalimutan ko na kung paano. Nakalimutan ko na kung paano talaga magmahal magpakita ng pagmamahal, at tumanggap ng pagmamahal.

Kung makakakita ako ngayon ng isang nilalang na maari kong mahalin at maaari rin akong mahalin, hindi ko na alam kung paano sisimulan. Hindi ko na alam kung anong unang sasabihin. Hindi ko na rin alam kung paano ko dadalhin sa sitwasyong pwede ko nang masabing ito nga ang babaeng para sa akin.

Sa tagal ng panahong pinalamig ang puso’t pinilit maging bato, hindi ko na alam kung paano tutunawin ang puso.

Tumatanda na ako. Tumatanda’t naghahanap na ng makaksamang mag-aalaga at aalagaan. Pero ngayong nakakaramdam na ako ng ganito, napagtanto kong mahirap pala. Mahirap palang magmahal uli. Mahirap magmahal uli dahil nakalimutan ko na kung paano. At mas mahirap makahanap ng taong magugustuhan ko dahil hindi ko alam kung saan sila nagtatago.

Simple lang naman ang hinahanap ko. Gusto ko lang ng isang taong makakasundo ko. Hindi naman sa lahat ng bagay dahil masaya rin namang magkaroon ng pabugso-bugsong away. Pero sa kabuuan, sana kaya ko siyang sakyan at kaya niya rin akong maintindihan.

Gusto ko lang nga isang taong pwede kong kausapin ng kahit ano. Kahit anong bagay na interesado ako at kahit anong interesado siya. At pagkatapos naming mapag-usapan ‘yon, magtutulungan kami para mangyari ang mga bagay na gusto naming mangyari para sa bawat isa. Kung papalarin, sana pareho kami ng gusto, para pwede naming abutin ‘yon ng magkasama.

Gusto ko lang makahanap ng taong maiintindihan ang mga kaweirdohan ko. Alam kong malabo akong tao at minsa’y mahirap maintindihan ng mga nilalang na may maliit na utak ang limitadong kakayahan ng pag-intindi. Pero sana, may mahanap akong indibidwal na may malawak na pag-iisip na kayang sakyan ang mga walang saysay na produkto ng pagmumuni-muni ko.

Gusto ko lang ng isang taong kasabay kong tatanda. At sana, sabay kaming tatanda ng masaya.

Halakhak Na Walang Dangal

Sa makabagong lipunan natin ngayon, kung saan mas tolerant na ang mga tao sa mga bading, nakakalungkot isiping ang kulturang kabadingan ay kumakalat at tila hindi mapigilan. Sino sa atin ang ni minsan ay hindi ginamit ang mga salitang, “chuva”, “chorva”, “chenes”, “okray”, “kebs”, “aylaveeeet”, “ang gandaaaawh” at “bhe”?

Uunahan ko na kayo. Hindi ako galit sa bading at hindi ako homophobic. Marami akong kaibigang mga bading at natutuwa akong maging kaibigan sila. Mataas ang tingin ko sa kanila dahil may sarili silang struggle na pinagdaraanan at hinaharap nila iyon ng may dangal, tapang at lakas na katumbas o mas marami pa sa dangal, tapang at lakas na ibinibigay o ipinapakita ng bawat straight na tao sa kani-kanilang pagsubok.

Oo, aaminin ko na natutuwa din ako sa naimbento o nadevelop nilang gay lingo. Nakakatuwa dahil masay at creative ang mga salita at tuwing ginagamit ng mga bading ang gay lingo na nadevelop nila, mas animated at mas amusing sila magkuwento.

Aaminin ko rin na minsan, ginagamit ko ang mga alam kong gay lingo kahit hindi bagay sa’kin… Dahil mas nakakatawa kung brusko at maton ang gagamit ng mga salitan ‘yon. At aminin na natin, dahil ang media ay halos pinatatakbo na ng mga bading, hindi malabong unti-unti nang naidadagdag sa bokabolaryo at wikang kolokyal ang ilan sa mga salitang kasama sa gay lingo.

Ang kinaiinisan ko ay hindi ang gay lingo o ang gay culture o ang mga bading. Ang kinaiinisan ko ay ang walang pakundangang paggamit ng mga kabadingan at pag-imbibe sa lifestyle, habit, mannerism at personality ng mga taong hindi naman bading ang mga kabadingang ito.

Naiinis ako sa mga taong nagbabading-badingan or, better yet, sa mga taong nagpapakabding kahit hindi naman… lalo na yung mga maiingay!

Dito sa Starbucks Home Depot, merong ganun. Merong babaeng mataba, malaki, at hindi maganda na sobrang ingay. Malamang, nakaencounter na kayo ng tulad niya, babaeng panget na nagmamaganda at nagpapakabakla. Kung magkwento, sobrang lakas ng boses na dinig hanggang kabilang isla. Kung humalakhak siya, akala mo wala nang bukas. At kung gumalaw siya, masyadong magaspang. Naiirita ako sa mga taong ganito.

Naiirita ako pero at the same time, naawa ako. Naawa ako dahil alam ko, deep inside maraming insecurities ang taong ‘to. Marami siya masyadong insecurities na tinatago na lang niya sa mga halakhak niyang walang dangal. Ang tingin ko sa kaniya, isa siya sa mga taong pinagmalupitan ng lipunan nung kabataan niya. Alam niyang pangit siya at ubod ng taba kaya inaattempt na lang niyang maging cool para matanggap ng mga tao sa paligid niya. Obviously, ang strategy niya para magmukhang cool ay ang pag-assimilate ng gay culture sa lifestyle niya.

Eto ngayon ang kinalabasan niya, malaking babaeng mas maton pa sa’kin na kung umasta eh parang baklang parlorista. Pero dahil kauri niya ang mga kasama niya, tanggap nila ang pagbabakla-baklaan niya at tila natutuwa pa. Kinukunsinte and mga nakakairitang ugaling meron siya.

Okay lang sana. Sa totoo lang, natutuwa din naman ako sa mga taong tulad niya. Ang problema, hindi sa mga pagkakataong gusto ko ng tahimik at mapayapang atmosphere. Hindi sana sa panahong relaxed akong nakaupo at nagtatrabaho sa kung saan man.

Pakiramdam ko, ang mga halakhak niyang walang pakundangan ay nakakainvade ng space ko. Because of her insecurities about herself, she’s chosen to be loud, scandalous and disrespectful to other people. She has chosen to be inconsiderate with other people’s needs to the point that she is depriving everybody the peace and quiet we deserve. Her laughter brought by her insecurities are invading my personal space and she doesn’t seem to be the least apologetic or, at least, concerned about it.

Minsan, gusto ko siyang lapitan at pagsabihan, “Hoy putanginang baboy ka. Pare-pareho lang tayong nagbabayad dito. Pare-pareho lang tayong bumibili ng isang basong kape para tumambay at magrelax. ‘Wag ka maingay punyeta ka!”

Pero dahil sibilisado akong tao at may pinag-aralan, pinipigilan ko ang sarili ko.

Sana mamatay na siya.