Napansin mo ba na minsan, kapag meron kang urgent matter at hand, doon pa kumukontra ang universe sa’yo?

Alam na alam ko na’to dahil laging nangyayari sa’kin ‘to. Ito yung mga panahon na tipong ‘pag ihing-ihi ka na, wala kang mahahanap na C.R. Kung may mahanap ka man, mahaba ang pila at kelangan mong tiisin ang pagtayo’t paghintay sa mahabang pila bago ka makaihi. Ito rin yung mga panahon na gusto mong pumuta sa Starbucks Home Depot tapos ang daming taong pupunta dun kahit weekday tapos wala kang mahahanap na parking. Ito rin yung panahon na  meron kang importanteng meeting tapos dun ka magigising ng late, masisiraan ng sasakyan tapos maiipit sa traffic. Ito rin yung panahon na taeng-tae ka na tapos walang tabo, tissue at sabon sa C.R. Magtiis ka sa gaspang ng nilukot na resibong pampunas ng puwit mo.

Ang dami ko nang pinagdaanang karanasang tulad nito. Ilang beses nang nangyari sa’kin ang magay na ‘yan.Ang masakit dun, kahit ilang beses nang nangyayari sa’kin, hindi ko pa rin maiwasan kung minsan. Parang nang-aasar lang talaga si God.

Putang inang universe yan. Kahit gaano mo kagustong mangyari ang isang bagay, lalo ka pang pipigilan na mangyari ang gusto mong mangyari.

Ito pa ang mas masakit dun, kung kelan ayaw mong mangyari ang isang bagay, doon pa ipagsisiksikan ng suwerte na mangyari ang bagay na yun. ‘Yung tipong ayaw mong magkasakit ngayon pero ngayon ka lalagnatin ng 40 degrees Celsius. Yung tipong ayaw mong makarinig ng ingay, ngayon ka pa tatabihan ng apat na Koreanong walang pakialam sa mundo kung humalkhak. Yung tipong ayaw mong magmahal, tapos ngayon ka makakakilala ng look alike ni Angel Locsin.

Hasel ‘di ba? Minsan lang talaga hindi sumasangayon ang kapalaran sa kagustuhan mo. Minsan nang-aasar, minsan nang-iinis, madalas walang pakisama. Putangina!

Kung tao lang ang tadhana, tinadyakan ko na siya sa mukha.