Bakit ganun? Ang daming maganda sa mundo pero nagtitiyaga sila sa mga panget nilang mga boypren?

Ok fine, hindi ako si Piolo at hindi ako si Derek Ramsey, pero alam ko sa ikabuturan ng puso ko na mas gwapo ako sa mga lalaking nakabakod sa kanila. Hindi ko sinasabing bumitiw sila sa mga lalaki nila at kumapit sa’kin pero sana lang, magising sila.

Siguro, at sana, malinis at busilak ang mga puso ng mga lalaking nakaakbay sa kanila. Sana hindi sila lokohin o mabiktima ng mga babaerong pangit. Sana mayaman ang lalaking yan para kahit papano, may makuha naman ang mga kawawang mga dilag na ito.

Sabihin na nating naiinggit lang ako. Pero totoo naman diba?

Subukan mong umupo sa open area sa Greenbelt 3 at panoorin ang mga taong naglalakad. Huwag na nating pansinin ang mga kalapating mababa ang lipad, dadapo yan kahit saan kaya hindi sila kasama sa usapan. Ang panoorin natin ay yung mga naggagandahan at nagkikinisang mga kolehiyalang may bitbit na mukhang mga driver na boypren. Di ba nakakainis?

Minsan napapaisip ako, “Sana ako na lang. Lamang ako diyan ng isang daang paligo… Nag-toothbrush pa ko!”