Sana nung pinanganak ako, meron akong built in USB port sa ulo para madali lang magtransfer ng files at data mula sa computer papunta sa utak ko at mula sa utak ko papuntang computer.

Ang dami kong bagay na gustong matutunan tulad ng Photoshop, Illustrator, After Effects, Premiere, Max 3d Studio, Maya, Auto CAD at kung anu-ano pang programs. Kung mdali lang i-download ang lahat sa utak ko na parang sa Matrix, eh di sana expert na ko sa mga bagay na ‘to. Ang sarap lang siguro ng buhay ko dahil ang daling humanap ng trabahong nangangailangan ng mga ganitong skills. Ang malupit pa nun, under one hour ko lang matutunan ang lahat.

Lahat ng alaala sa utak ko, convertible to computer files. Pwede ko i-save lahat mula sa memory ng utak ko papunta sa memory ng computer ko. Wala akong makakalimutan dahil lahat may back-up files. Pwede kong balik-balikan kung gusto ko.

Siyempre, lahat din ng files sa computer ko, pwede ko lang i-download sa utak ko. Lahat ng porn ko, pwede ko panoorin ng nakapikit. Walang makakahuli sa’kin at hindi ko na kelangang itago sa mga tao ang panonood ko ng mahahalay na bagay dahil walang makakakita ng screen ng utak ko. High definition pa ang sounds.

Tapos, pag may gusto akong kalimutang masamang pangyayari, pwede kong i-delete sa utak ko. Wala nang sakit, walang pangamba, walang kahit anong masamang alaala – lahat maganda, lahat masarap, lahat bastos.

Tapos sana nagrereact din yung katawan ko sa mga files na tina-transfer ko ayon sa klase ng files na yun. Kung magdownload ako ng video ng Tae Bo, papayat din ako, kung magdownload ako ng video ng Jute Keun Do, magiging sing lupit ako ni Bruce Lee, at kung magdownload ako ng porn, magiging sing laki ng titi ng pornstars ang titi ko. Ang lupit ‘di ba?

Hasel lang pag navirus ako’ kelangang magreformat… magiging inutil uli ako.