Sana hindi ako napapgod.

Sa dinami-dami ng kelangang gawin, at sa dinami-dami ng dapat tapusin, minsan pakiramdam ko kulang ang bente-kwatro oras para gawin ang lahat. kulang ang isang buong araw para tapusin ang mga bagay na sa pakiwari ko ay mahalaga sa buhay ko.

Ang masakit pa dito, kung pipilitin kong gawin ang lahat sa loob ng 24 oras, nauubos ang lakas ko. Talo pa ang five rounds ng steamy hot sex! Sana nakipag talik na lang ako diba?

Nakakapagod. Nakakapagod gawin ang mga bagay na paulit-ulit tulad ng trabaho at paghahanap ng pera. Nakakapagod ang pagbiyahe nang wala ka namang patutunguhan. Nakakapagod ang pag-iisip kung paano ka maghihiganti sa mga taong may maitim na budhi. At minsan, nakakapagod ding mangarap ng mga bagay na hindi matutupad.

Kung may dagdag lang na kahit limang oras pa ang bawat araw, siguro mas magiging madali ang buhay ko. Mas marami pa akong magagawa sa karagdagang oras na iyon, mas maraming matatapos, mas maraming maiisip, mas maraming papangarapin.

Sana hindi ako nauubusan ng lakas. Sana para akong superhero na may infinite supply ng energy. Sana para akong anime character na umaapoy ang katawan kapag nagrerecharge. Sana may energy drink na libre. Sana hindi ko na kailangang magtrabaho. Sana maalala pa rin niya ako kahit maputi na ang buhok ko…(labo).

Gusto kong kumuha ng isa pang trabaho, yung madali lang, yung masaya, yung babayaran ako kahit nakatambay lang ako,yung madaming yosi break, yung may boss na mabait at yung maraming babaeng bata’t maganda. Pero walang ganun. Kung meron man, malamang freeze hiring sila ngayon. So kelangan ko talaga maghanap ng isa pang totoong trabaho para hindi na ako naghihirap, para lagi akong may pera, para may makita naman akong ibang tao, para may benefits, para may officemate na fresh grad na hot at malaki ang boobs, para makaipon naman ako ng pambili ng bagong skateboard, at ng Volks Wagen Comby at ng maraming skate shoes, at maraming board shorts at maraming babaeng di kinakailangang gamitan ng condom.

Sana kayanin ko ang pagkakaroon ng isa pang trabaho. Kaya lang, iniisip ko pa lang, napapagod na ko. Kung kukuha pa ako ng isa pang full time na trabaho, kelan pa ko matutulog? Kelan pa ko magpapahinga? Kelan ko pa maeenjoy ang kabataan ko? Kelan ko pa magagamit ang salaping maiipon ko? Kelan pa ko makakapagskate?

Hasel… tao lang ako. Sana ako na lang si God!