Gusto kong isiping mabait akong tao. Isang indibidwal na hindi nanggugulang, hindi nanlalamang, laging parehas sa mga kaibigan, kasama’t kasosyo. OO, alam ko. Hindi ako santo at hindi busilak ang aking puso. Pero ganun pa man, alam kong hindi tatanggapin sa impyerno ang kaluluwa ko.Over qualified ata ako!

Ang hindi ko alam, kung bakit lapitin ako ng mga taong magugulang, madaya at walang pakundangan sa panlalamang sa kapwa. Masakit pa dito, ang mga taong nanlalamang sa’kin ay iyong pang mga taong trinato ko nang parang kapatid.

Pagdating sa hatian sa salapi, hindi ko naiintindihan kung bakit handa nilang kalimutan ang ilang taong pinagsamahan, ang sangakatutak na problemang pinagdaanan at ang pagkakibigan. Kung hindi ko sila kilala, siguro ay matatanggap ko pa. Dahil kung hindi ko sila kakilala, walang tiwalang mawawala, walang samahang mababalewala at walang pagkakaibigang masisira.

Sa tuwing mangyayari sa’kin to, lagi ko na lang dasal na sana’y hindi ko na lang nakilala mga hinayupak na ‘to. Sana hindi na lang sila pinanganak. Sana kainin sila ng lupa. Sana may lumabas na uod sa mga  titi nila habang nakikpag talik sa kapwa lalaki.Sana yumaman ako tapos sila hindi tapos luluhod sila sa harap ko para magmakaawa sa isang sobrang liit na project.

Masama na kung masama. Pero yung ang mga palagian na lang na tumatakbo sa isip ko sa tuwing naiisip ko ang mga taong katulad nito. Gusto kong maghiganti kung minsan pero para saan pa? Ako pa ang lalabas ng masama. Ipibnapaubaya ko na lang sa tadhana ang pagpapahirap sa kanila.

Ang payo ko lang sa kanila, sana lagi silang mag-iingat pag tumatawid sila.